Sweet nanghiram ng damit kay Vice para sa Star Magic Halloween

VICE GANDA AT JOHN LAPUS

Muling pinatunayan ng Gandang Gabi, Vice host na si Vice Ganda na he has a very generous heart. Siya kasi ang nag-sponsor ng outfit, make-up at wig ni John Lapus sa katatapos na Star Magic Halloween Party.

“The other day kasi, habang nag-preview ng MMFF movie, bigla ko siyang naisip. Sandali wala pa akong costume for Star Magic Halloween party, sabi ko, ‘Vice, pwede makahiram ng oufit parang gusto ko maging Vice Ganda.’ Ayan, head to foot care of Vice Ganda,” say ni John sa isang interview.

“Siya mismo ang nagdamit sa akin. Sa kanya lahat to — buhok niya to, tapos ito ang mga pinapauso niya ngayon sa Showtime ‘yung mga oversized clothes,” he said. “Sabi ko, ‘yung gusto ko ‘yung Vice Ganda lang sa Showtime. Everybody is familiar sa look niya sa Showtime, di ba?” dagdag pa ni John.

Sa Gandang Gabi, Vice ay namimigay rin si Vice ng regalo sa mga guests niyang naging viral ang mga videos.

Read more...