Horoscope, Oct. 23, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Kusang dadami ang iyong pera. Kaya dapat na paabutin mo ito hanggang sa Paskong darating at sa Bagong Taon. Sa lovelife, dahil paparating na ang kapaskuhan, lalo namang iinit ang pagmamahalan. Markahan ang 2, 16, 25, 34, 43, at 47. Red at white ang buenas. Swerte ang initial na P. at H.
Aries – (Marso 21-April 19)—Ito ang pinakatamang pagkakataon upang daigin ang iba. Ituloy ang binabalak na negosyong may kaugnayan sa modernong teknolohiya. Sa lovelife, ang kasuyo ang magbibigay sa iyo nang mas maraming suwerte kaya sumunod ka lang ng sumunod sa pinalagawa niya. Markahan ang 6, 18, 27, 34, 38 at 43. Orange at maroon ang buenas. Swerte ang initial na R. at A.
Taurus – (April 20-May 20)—Disiplinahin ang sarili upang lumusog at sumeksi. Iwasan ang katakawan upang hindi masyadong lumobo ang katawan. Sa lovelife at salapi, kasaganaan at maligayang relasyon ang hatid ng isang Virgo. Markahan ang 4, 13, 15, 24, 31, at 48. Lilac at pink ang buenas. Swerte ang initial na N. at S.
Gemini – (May 21-June 21)—Hindi dapat ubusin ang araw sa labis na pagsasaya, maglaan ng oras sa pagbubulay-bulay at panalangin. Sa pagtulong sa kapwa, lalong gaganda ang kapalaran lalo na sa pag-ibig at aspetong pinansyal. Markahan ang 5, 14, 28, 32, 41 at 45. Silver at green ang buenas. Swerte ang initial na A. at L.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa pagdadalawang-isip mabibigo ka. Kikita ng malaking halaga kung ipapatupad agad ang anumang unang pumasok sa isipan. Sa lovelife huwag pag-alinlanganan ang pagmamahal ng kasuyong Scorpio. Markahan ang 2, 16, 25, 34, 43 at 49. Orange at purple ang buenas. Swerte ang initial na R. at O.
Leo – (July 23 – August 22)—Ingatan ang natitirang salapi. Wag kang gastos nang gastos nang walang kabuluhan. Sa bawat naitatabing pera, ito ang magsisilbing magneto kaya dadami pa siya nang dadami at madodoble. Sa lovelife, ipatago ang hawak na pera sa kasuyong kuripot. Markahan ang 7, 10, 28, 34, 40 at 47. Yellow at black ang buenas. Swerte ang initial na W. at B.
Virgo – (August 23 – September 22)—Bigyan ng ultimatum ang iyong sarili upang magkaroon ng direksyon ang buhay. Unahing tapusin ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa lovelife, ipaunawa sa kasuyo na kailangan n’yo nang yumaman! Markahan ang 3, 15, 27, 33, 42, at 46. Purple at green ang buenas. Swerte ang initial na M. at V.
Libra – (September 23-October 23)— Sa pag-ibig, bagong estilo ng pakikipagromansahan ang dapat upang muling uminit ang pagmamahalan. Sa pinansyal, mentras active ang sexual life lalo namang gagaang ang pasok ng pera at materyal na bagay. Markahan ang 3, 18, 27, 33, 39, at 40. Pink at lilac ang buenas. Swerte ang initial na E. at C.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Hindi darating ang suwerte kung puro hintay lang ang iyong ginagawa. Damihan ang pagkilos na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa lovelife ipagpatuloy ang matsagang pakikipag-bolahan sa kasuyong nagpapa-hard to get. Markahan ang 1, 7, 25, 32, 39 at 42. Silver at orange ang buenas. Swerte ang initial na J. at D.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mag-ipon ng maraming pera sapagkat ang salapi ay makapangyarihan. Kapag marami kang salapi ang lahat ay iyong mapapasunod. Sa lovelife, ngayong nalalapit na Pasko ay pera ang magdudulot ng kaligayahan sa inyong pamilya. Markahan ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Black at emerald green ang buenas. Swerte ang initial na R. at P.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Kahit mahilig kumontra ang kasuyo hindi dapat i-etsapuwera ang kanyang mungkahi. Ano ang malay mo dahil sa pagsunod sa suhestyon ng kasuyo siya pa ang maging daan upang lalo kayong yumaman. Markahan ang 3, 12, 18, 33, 41, at 44. Beige at maroon ang buenas. Swerte ang initial na C. at A.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pinansyal, kung kailan ka walang-wala ay biglang dating ang napakalaking halaga ng salapi. Sa lovelife, mag-ingat at may babala ng isang immoral na relasyon. Markahan ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Red at yellow ang buenas. Swerte ang initial na C. at F.

Pisces – (February 19 – March 20)—Upang mas madaling matupad ang mga pangarap isulat sa papel at ipaskel sa pintuan ng ref. Sa ganyang paraan, five years from now, matutupad na ang mga pangarap na isinulat mo sa papel. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Green at blue ang buenas. Swerte ang initial na S. at G.

Read more...