PATULOY pa ring umaani ng tagumpay ang record-breaking movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye” under Star Cinema.
Matapos hiranging highest grossing Filipino film of all time dahil sa mahigit P800 million na kinita nito sa takilya, gumawa rin ito ng ingay sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kamakailan lang ay ibinandera ng Star Cinema na nominado ang “Hello, Love, Goodbye” ng KathDen sa Best Asian Film category ng 2019 Australian Academy of Cinema and Television Arts. Makakalaban nito ang walo pang pelikula mula sa India, China, Japan, at South Korea.
Ayon sa official statement ng ng AACTA, “Hello, Love, Goodbye” is a highly relatable romantic-comedy that broke box office records, becoming the highest-grossing film ever produced in the Philippines.” Ia-announce ang mga winners sa AACTA sa Dec. 4.