Kandidato pagka-PNP chief i-lifestyle check

PNP

DAPAT umanong sumailalim sa lifestyle check ang tatlong naglalaban sa pagiging susunod na hepe ng Philippine National Police.

Ayon kay ACT-CIS Rep. Eric Go Yap, dapat ay boluntaryong sumailalim sa lifestyle check sina Lt. Gen. Archie Gamboa, Lt. Gen. Camilo Cascolan at Major Gen. Guillermo Eleazar.

Sinabi ng solon na dapat ding sumailalim sa background check ng Department of Interior and Local Government ang mga naglalaban bilang kapalit ng nagbitiw na si PNP chief Oscar Albayalde, na isinangkot sa kontrobersyal na drug raid sa Pampanga.

Read more...