NAG-ABISO na ang Manila Water sa nakaambang water service interruption sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng tubig sa mga dam.
Kung magpapatuloy umano ang pagbaba ng tubig sa Angat Dam ay ipatutupad ang water service interruption sa Oktubre 24 sa Metro Manila at Rizal.
“This may be necessary because we want to ensure that the still-limited raw water supply will last through summer and the rest of next year despite Angat Dam being unable to reach its ideal 212-meter level by the end of 2019,” saad ng abiso ng Manila Water.
Nanawagan din ang Manila Water sa mga kustomer nito na huwag mag-aksaya ng tubig at mag-ipon ng kakailanganing tubig at alamin ang schedule ng pagkawala ng tubig sa kani-kanilang lugar.
“We request for your cooperation should we begin to implement the rotational water service interruption to ensure we have enough water supply in the coming months.”
Ngayong umaga ang lebel ng tubig sa Angat dam ay 186.46 metro, bumaba ng 0.31 metro mula sa noong Lunes ng umaga.
Nauna ng nag-abiso ang Maynilad ng water service interruption sa mga kustomer nito.