IBANG klase talaga ang powers at karisma ni Manila Mayor Isko Moreno. Aba, kahit ang aktres na si Maritoni Fernandez ay hindi nakatiis sa pagpapaka-fan girl nang makita ang alkalde.
Ayon kay Maritoni, hindi siya talaga fan ng mga politiko o public official, pero proud siyang ibandera sa madlang pipol na fan na fan siya ni Mayor Isko.
Nag-post pa siya sa Instagram ng selfie photo nila ni Isko, “I am really not a fan of many politicians in our country, nor do I really have any personal political interest but I have to admit that I am a huge fan of yours, Yorme.”
Hirit pa niya, “You are making such a difference. Mayor Isko, @isko_moreno.”
q q q
Ipinamalas ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda ang kaniyang galing sa pag-arte sa full-length film na “The Fate” kung saan kinilala siya bilang Best Actor sa nakaraang Urduja Film Festival.
Binigyang-buhay ni Kelvin ang karakter ni Karl, isang anak na iniwan ng kaniyang ina at lumaban sa dagok ng buhay kasama ang kapatid na lalaki.
Kuwento ni Kelvin, kinabahan siya sa role na ipinagkatiwala sa kanya, “Yung ‘The Fate’ kasi heavy drama siya, tapos sobrang kinabahan ako kasi sobrang laking responsibilidad bilang aktor at nakaka-pressure!”
Samantala, napapanood din si Kelvin sa GMA Afternoon Prime series na Madrasta bilang si Barry, ang kapatid ng bidang si Audrey (Arra San Agustin).
Maritoni Fernandez nagpaka-fan girl kay Mayor Isko
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...