Dingdong napuruhan sa tuhod matapos sumabak sa 42km run sa Berlin Marathon

DINGDONG DANTES

NAGKAROON pala ng knee injury si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes matapos sumabak sa BMW Berlin Marathon na ginanap sa Berlin, Germany last month.

Sa panayam ng GMA kay Dong, napuruhan ang kanyang tuhod after niyang makumpleto ang 42-kilometer run sa Berlin marathon bilang bahagi mg Team Gotta kasama sina Kim Atienza, Tim Yap at Gilbert Remulla.

“’Yung tuhod ko medyo na-injure pero right now it’s recovering,” kuwento ng TV host-actor. Sey pa ni Dong, umabot ng 16 weeks ang ginawa nilang paghahanda para sa nasabing sport event.

“Medyo kukunin niya talaga ‘yung oras mo, especially sa umaga. Ganu’n naman talaga sa lahat e. Kung meron kang gustong ma-achieve, meron kang isa-sacrifice. And for me, oras siya and, of course, a little bit of physical push,” aniya.

Ano naman ang natutunan niya sa naging experience niya sa Berlin marathon? “More than yung na-gain ko na strength and the ability to finish a marathon, it’s the value of camaraderie that I have built with my friends who I have trained with.

“Dahil sobrang hirap nu’n e. Kaya pinupush namin ‘yung isa’t isa. And nakaka-inspire lang, kasi kasama ko ‘yung the likes of Kuya Kim na makatapos talaga ng marathon sa mga katulad kong first timer.

“Marami silang tips na iniisip ko kung mag-isa ako, ‘di ko talaga magagawa ‘yun. Kaya mabuting nandyan sila para gabayan ako.

“Being the youngest of the group I really felt like I was being taken care of and being pampered with some wisdom,” aniya pa sa nasabing panayam.

Uulitin pa ba niya ito? “Well, sabihin na lang natin ‘yung mga last 10km, kinukuwestiyon ko na ‘yung sarili ko, na bakit ko ginagawa ito kasi sobrang hirap. ‘Tapos lahat ng mga dasal, nadasal ko na.

“Pero I guess ‘yun ‘yung exciting about finishing a marathon. ‘Yung, it’s a battle with yourself, na kaya mong i-overcome ang lahat ng ito regardless kung gaano kahirap.

“And after completing that parang lahat ng challenges kakayanin mo na kasi na-test mo na ‘yung sarili mo. Pero immediately after finishing it, siguro naisip ko na baka hindi ko na gagawin.

“Pero the day after nu’ng nahimasmasan na ako, I can honestly say that I’m looking forward to the next marathon,” lahad pa ni Dong.

Read more...