Julia nanindigan sa Barretto war: The Lord knows the truth | Bandera

Julia nanindigan sa Barretto war: The Lord knows the truth

Reggee Bonoan - October 22, 2019 - 12:40 AM

SA ginanap na storycon ng bagong iWant digital series ni Julia Barretto na I Am U kahapon, sinagot ng dalaga ang ilang tanong tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng magkakapatid na Barretto.

Sa panayam ni TV Patrol correspondent Mario Dumaual, magsalita ang dalaga tungkol sa gusot sa pagitan ng nanay niyang si Marjorie at mga tiyahing sina Claudine at Gretchen Barretto na mas lalo pang uminit nang magkrus ang kanilang mga landas sa burol ng lolo niyang si Miguel Barretto sa Heritage Homes, Taguig City.

Matatandaang umabot pa sa pisikalan ang away ng magkakapatid na naging dahilan din nang pagkakaospital ni Claudine matapos magtamo ng mga pasa at makaramdam ng matinding pagkahilo.

Nangyari pa ito sa harap ni President Rodrigo Duterte na nagtangka pang ayusin ang gulo pero hindi siya nagtagumpay.

Sabi ni Julia nang tanungin tungkol sa isyu, “I think it’s natural for everybody to be concerned but I think it’s also nice if everybody would give the family the privacy and respect to resolve their issues.

“Wala po kasi akong kinalaman diyan kaya hindi kop o masasagot ‘yung mga tanong tungkol sa kanila kasi nga po it’s not my battle hindi kop o siya laban. I’ll be praying for them.

“For now, my energy, my time I would like to spend it on blessings that I have been receiving. God has been so good. Protect your energy, protect your time and spend natin ‘yun sa mga bagay na mabuti, let’s be kind to each other,” paliwanag ng dalaga.

Kahit nabanggit ang pangalan ni Julia sa away ng Barretto sisters na balitang minura-mura pa umano si Claudine, ay hindi na ito sinagot ng aktres dahil diin niya, “Hindi ko po laban, I can’t speak for them. I don’t have the right to speak any of them. Wala pong katotohanan na may nasaktan ako (sa lamay).”

Pagpapatuloy pa ni Julia, “I’ll be praying for them. Pero for now, my energy, my time, I would like to spend it on the blessings that I have been receiving. God has been so good.

“Protect your energy and protect your time. And i-spend natin ‘yan sa mga bagay na mabuti. Let’s be kind to each other. We’re all praying for the best. We’re praying all the best for everyone,” pahayag pa ng Kapamilya actress.

Pahabol pa niya, “The Lord knows the truth.”

Nakikinig lang ang leading man ni Julia sa I Am U series habang nagsasalita ang dalaga. Ayon sa binata bumilib siya sa galing sumagot ng aktres.

Aniya, “To anybody who’s watching now, this is the role model, that was the most professional way that you could said it you know, that’s was so inspiring.” Napangiti naman si Julia sa aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, may walong episodes ang iWant series na I Am U at mapapanood ito sa 2020 dahil ngayong Nobyembre pa lang magsisimula ng preproduction nito handog ng Dreamscape Digital at IdeaFirst Company.

In fairness, bagay ding partners sina Tony at Julia lalo’t pareho naman silang walang ka-loveteam ngayon. Sabi nga ng aktor matagal na niyang gustong makatrabaho si Julia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending