K to 12 program susuriin

PABOR ang Department of Education sa plano ng Kamara de Representantes na suriin ang pagpapatupad ng K to 12 program upang makagawa ng hakbang upang mas maging epektibo ito.

Ayon sa DepEd nais nitong makipagtulungan sa Kongreso upang matugunan ang mga naging problema ng K-12 program.

“A dedicated review session will provide an appropriate venue to comprehensively discuss concerns about the Program and plot out corresponding solutions,” saad ng DepEd sa isang pahayag.

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nais malaman ng Kamara kung ano na ang estado ng sinabi noon ng DepEd na kapag nakatapos ng Grade 12 ang isang estudyante ay maaari na itong makapasok ng trabaho.

“We in the House are of the consensus that K-12 is not living up to its promise, which is, after you finish senior high school, you don’t have to go to college. You gain skills to be employed,” ani Cayetano.

Kasama sa senior high school program ang opsyon na kumuha ng vocational at technical courses upang maging handa sa pagtatrabaho.

“But many schools still lack equipment, whether it is automotive, electrical or sports. So there are issues that we have to address,” dagdag pa ni Cayetano.

“DepEd hopes the outcome of the review will spur renewed commitment and initiatives among lawmakers, advocates, and other stakeholders in aid of realizing the K to 12 program’s overall goal – hone holistically developed Filipino learners with 21st century skills.”

Dinagdagan ng Kamara ng P650 milyon ang pondo ng DepEd sa 2020 upang mapaganda ang 12-year basic education program nito.

Read more...