SWS: 10.3M pamilya mahirap

TINATAYANG 10.3 milyong pamilya ang nagsabi na sila ay mahirap, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa third quarter survey ng SWS, 42 porsyento ng pamilya ang nagsabi na sila ay mahirap mas mababa sa 45 porsyento na naitala sa survey noong Hunyo (11 milyong pamilya) pero mas mataas sa 38 porsyento na naitala noong Marso.

Sa 42 porsyento, 5.6 porsyento ang bago sa listahan ng mga nagsabi na sila ay mahirap, 5.4 porsyento ang madalas na nasa listahan ng mahirap at 30.7 porsyento ang hindi pa nakakaalis sa pagiging mahirap.

Sa mga nagsabi na sila ay hindi mahirap, 29.4 porsyento ang hindi pa nahihirapan na maging mahirap, 15.7 porsyento ang madalas na hindi nasa listahan ng mahirap at 13 porsyento ang hindi pa napupunta sa listahan ng mahirap.

Ang kailangan umanong gastusin ng isang pamilya hindi kasama ang gastos sa pagtatrabaho gaya ng pamasahe para masabi na hindi ito mahirap ay P10,000 mas mababa sa P15,000 na naitala sa naunang survey.

Ang pinakamababang panggastos sa pagkain kada buwan ng isang pamilya ay dapat umano P5,000 upang masabi na hindi pangmahirap ang kanilang pagkain.

Ginawa ang survey mula Setyembre 27-30 at kinuha ang opinyon ng 1,800 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2.3 porsyento.

Read more...