2 pulis arestado sa pagpuslit ng kotrabando sa loob ng Bilibid

INARESTO ang dalawang pulis na nakatalaga sa New Bilibid Prison (NBP) matapos umanong maaktuhan habang tinatangkang magpasok ng alak at sigarilyo sa loob ng national penitentiary.

Sa isang panayam, sinabi ni Brig. Gen. Bernard Banac, PNP spokesperson, na dalawang miyembro ng National Capital Region Police Office Special Weapons and Tactics (NCRPO-SWAT) unit ang iniimbestigahan kaugnay ng insidente.

“The public can trust that we will not tolerate this illegal activity,” sabi ni Banac.

“This is saddening but we will not stop. This is a continuing challenge for us to reform the organization. Our reforms will continue until we instill discipline in our personnel,” dagdag ni Banac.

Tiniyak ni Banac na patuloy ang paglilinis sa hanap ng kapulisan.

“They have no place in the PNP,” sabi ni Banac.

Sinabi ni Maj. Alberto Tapiru, Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson, na nakumpiska ang mga sigarilyo at alak mula sa dalawang miyembro NCRPO-SWAT na itinago sa loob ng bote ng ice tea.

Sinabi ni Tapiru na para sa isang preso umano ang mga kontrabando, bagamat hindi pinangalanan ng dalawang pulis.

Idinagdag ni Banac na umaabot na sa 9,172 pulis ang nahaharap sa kasong administratibo mula sa tardiness at absenteeism hanggang grave misconduct.

Umabot naman sa 2,800 ang nasibak mula sa serbisyo dahil sa kanilang pagkakasongkot sa iba’t ibang krimen at pagiging AWOL (absent without leave).

Tinatayang 500 pulis mula sa NCRPO ang itinalaga sa NBP matapos maupo si BuCor director general Gerald Bantag habang isinasailalim ang 300 correction officers sa pagsasanay.

Sa kabila naman ng isinagasagawang paglilinis sa NBP, nakakumpiska ng droga, SIM card sa pagkain ng isang bisita ng isang preso na nasa maximum security compound.

Read more...