Goodbye Perla

LUMABAS na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Perla.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyong Perla ay nasa layong 1,215 kilometro sa hilagang silangan ng Luzon.

May hangin itong umaabot sa 110 kilometro bawat oras at pagbugsong 135 kilometro bawat oras. Patungo ito sa Japan.

Ang bagyo na may international name na Bualoi ay nasa layo namang 2,670n kilometro sa silangan ng Southern Luzon. May hangin ito na umaabot sa 130 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 160 kilometro bawat oras.

Inaasahan na patuloy na aakyat ang bagyo at hindi ito papasok sa PAR.

Read more...