Pagtsugi kay stand up comedian sa singing contest utos ng ‘most powerful beki’ sa show

By Cristy Fermin October 21,2019
share this

Pagtsugi kay stand up comedian sa singing contest utos ng ‘most powerful beki’ sa show

By Cristy Fermin October 21,2019
share this

PINAGKUKUWENTUHAN sa umpukan ng mga becki ang hindi pagkatuloy sa pagsali sa isang kumpetisyon sa kantahan ng isang kilalang becking personality.

Asang-asa pa naman siya na isa siya sa mga kalahok, pero biglang may tumawag sa kanya, kanselado na ang kanyang partisipasyon.

Natural, sumama ang loob ng becki, pinaghandaan nga naman kasi niya ‘yun, nagkansela siya ng ibang lakad para sa labanan pero hindi na pala siya kasali.

Sabi ng isang nandu’ng becki, “May iba pa ba namang dapat pag-isipang humarang sa kanya kundi ‘yung most powerful becki sa show na ‘yun?

“May hugot ‘yun. Nu’ng unang-unang successful concert kasi nu’ng becki sa isang super-laking venue, e, naglambing itong si becki sa producer ng concert na igawa rin siya ng ganu’ng show.

“So, dahil close naman sila ng producer, ipinag-mount siya ng concert, pero sa mas maliit na venue nga lang. Nu’ng promo period ng concert niya, e, gamit na gamit ng becki ang dati niyang kasamahang stand-up comedian na nagtagumpay talaga sa TV!

“Hindi ‘yun nagustuhan ng sikat na becki, pero hindi siya kumibo, pinabayaan lang niyang gamit-gamitin siya sa promo ng becki na magko-concert.

“Gamit na gamit siya talaga, pero hindi nagtagumpay ‘yung becki, flop ang concert niya, maluwag na maluwag ang venue, ni hindi nga sila makapagsimula, kasi nga, wala pang tao sa loob.

“May pagkailusyunada rin naman kasi ang becking ‘yun, e! So, dahil sa nangyaring ‘yun, sa palagay n’yo ba, e, nakalimot na ang makapangyarihang becki sa show kung saan gagawin ang labanan? Natural, naaalala pa rin niya ‘yun!

“Hindi man siya kumibo nu’ng ginagamit-gamit siya ng becking magko-concert, pero flop naman, e, natatandaan niya ‘yun!

“Personalin ba naman siya, e, hindi niya maaalala ‘yun? Naku, nagkamali ang becking ‘yun! Napaka-photographic mind pa naman ng sinasabi niyang powerful becki na ‘yun!

“Kaya anyare sa pagsali niya? Waley na siyang bigla! Natural, walang magsasabi sa production kung sino ang nagtanggal sa kanya, pero kailangan pa ba namang i-memorize ‘yun?” mahabang kuwento ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na this! Wala nang kailangang clue!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending