Spa may extra service sinalakay

SINALAKAY ng pulisya ang isang Spa na nag-aalok umano ng “extra service” sa kanilang mga parokyano sa Quezon City kahapon.

Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na ang Dragon Spa sa Olympia Bldg., Brgy. Mariana, ay isang pronta ng prostitusyon. Maaari umanong mag-book ang isang customer sa kanilang website na manilatonight.comat doon makikita ang mga therapist na maaaring i-book.

Alas-2 ng hapon ng isagawa ang raid ng District Special Operations Unit at District Women and Children Protection Desk, Anti-Cyber Crime Unit ng Quezon City Police kasama ang mga tauhan ng Social Services Development Department at Business Permit and Licensing Office ng Quezon City government.

Isang undercover operative ang nagpanggap na kustomer upang makumpirma ang ulat bago ang raid.

Inaresto ng pulisya ang 28-ayos na babaeng cashier at receptionist at isang 48-anyos na lalaki na nagpa-extra service at apat na babaeng therapist.

Wala sa lugar ang manager ng spa at ang may-ari nito.

Agad namang ipinag-utos ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapasara sa establisyemento.

Read more...