2 bagyo binabantayan ng Pagasa

DALAWANG bagyo ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Ang bagyong Perla ay patuloy ang pag-usad papalabas ng Philippine Area of Responsibility.

Kaninang umaga ito ay nasa layong 750 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Basco, Batanes. May hangin ito na umaabot ng 140 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 170 kilometro bawat oras.

Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras pa-hilaga-hilagang silangan kaya ngayong araw ay inaasahang nasa labas na ito ng PAR.

Binabantayan din ng PAGASA ang bagyong Bualio na nasa Pacific Ocean. Kahapon ito ay nasa layong 2800 kilometro sa silangan ng Visayas.

Maliit ang tyansa na pumasok ng PAR ang bagyo.

Read more...