2 ’powerful man’ sa buhay nina Marjorie at Greta buking na

By Cristy Fermin October 20,2019
share this

2 ’powerful man’ sa buhay nina Marjorie at Greta buking na

By Cristy Fermin October 20,2019
share this

GRETCHEN AT MARJORIE BARRETTO

Lumalim na nang lumalim ang away ng magkakapatid na Barretto. Hindi na sa lamay lang natapos ang kanilang engkuwentro dahil ngayon ay saksi na ang buong bayan sa masasakit nilang pagbabatuhan ng mga salita.

Ang nakakawindang ay ang paglalantad pa nila ng mga “makapangyarihang lalaki” sa kanilang buhay, nagpapatutsadahan sina Getchen at Marjorie tungkol sa kanilang mga karelasyon, sila-sila ang nagbabando ng kasalukuyang lovelife nila na sangkot ang dalawang powerful men.

Wala silang binanggit na pangalan ng karelasyon ng isa’t isa, pero lantad naman ang identity ng mga taong sinasabi nila, ang negosyanteng si Atong Ang ang kay Gretchen at si dating Caloocan Mayor Recom Echiverri naman ang kay Marjorie.

Powerful in a bad way raw ang karelasyon ni Gretchen, sabi ni Marjorie, sinagot naman ‘yun ni Gretchen na yes, powerful nga ang tinutukoy na tao ni Marj, pero in a nice way.

Tanong ng aming kaibigan, “Nakakaloka lang. Ibang lalaki ang sinasabi nila, hiwalay na ba sina Gretchen at Mr. Tony Boy Cojuangco?

“May anak pala si Marjorie kay Mayor Recom? Napakatagal nang kuwento ‘yun pero idinedenay naman nila, pero ngayon, ayan na, nalantad na tuloy!” tanong-opinyon ng aming kaibigan.

Hindi pa dito matatapos ang lahat. May nakaambang pa-presscon si Marjorie, humihingi ng dasal ang aktres para sa kanila ng kanyang mga anak, dahil sa powerful na lalaking karelasyon ni Gretchen ngayon.

Kabog ang mga serye sa kuwento ng buhay ng magkakapatid na Barretto!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending