‘Isang Gabi’ nina Julie Anne at Rico No. 1 agad sa iTunes PH

RICO BLANCO AT JULIE ANNE SAN JOSE

Tiyak na excited na ang fans ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose sa bago nitong proyekto kasama ang OPM singer na si Rico Blanco.

Nitong nakaraang Biyernes, inilabas na ang collaboration project nilang “Isang Gabi” under Universal Records, na maghahatid na naman ng hugot sa listeners.

Ibinahagi ni Julie na malapit sa kanyang puso ang kantang ito, “From ‘Regrets’ to the other songs na ire-release ko, very personal kasi most of the songs ay ako po ‘yung sumulat, mas malalim ‘yung hugot nila, mas intimate.”

Puwede na mag-pre-order ngayon pa lang sa iTunes para siguradong makakakuha agad ng kopya ng “Isang Gabi.” Dagdag pa ni Julie, umpisa pa lang ito sa mga nakalinyang collabs niya with other OPM artists.

Update: Ilang oras lang matapos i-release ang “Isang Gabi,” nag-top na agad ito sa Tunes Philippines.

In fairness, talagang hataw ang music career ngayon ni Julie Anne. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinababayaan ng kanyang fans lalo kapag may inilalabas siyang bagong kanta.

Read more...