MAS maraming nakakaloka at nakaka-good vibes na pasabog at paandar ngayong Linggo ng gabi ang The Boobay And Tekla Show ng GMA 7.
“Feeling the Blanks” returns this Sunday with best friends, Aiko Melendez and Gelli de Belen on the hot seat. Hindi nila uurungan ang mga tanong nina Boobay at Super Tekla kahit personalan na ang laban.
Sa favorite n’yong KMJS parody titled “Sanib,” gaganap si Boobay bilang babaeng sinaniban ng masasamang elemento. At para palayasin ang mga ligaw na espiritu nagboluntaryo ang albularyo na gagampanan ni Tekla para mag-perform ng exorcism live on YouTube.
Unknown to viewers though, the two are con artists who profit from their fake exorcism videos.
Sa hidden camera segment naman na “Pranking in Tandem” makakasama nina Aiko at Gelli sina Boobay at Tekla. Isang barbero ang kanilang magiging biktima sa tulong ng dalawang lalaki na magpapanggap na mga customer.
Para naman sa “Dear Boobay and Tekla,” a beatbox artist sent a letter and challenged our hosts to a beatbox contest. Boobay and Tekla accepted the challenge. But do they stand a chance against a professional beatboxer?
At siyempre, mawawala ba ang regular must-watch na “TBATS on the Street?” Hahamunin nina Boobay at Tekla ang mga tao sa kalye na sagutin ang kanilang tricky questions, tulad ng, “Ilan ang paa ng wheelchair?”
Kaya huwag na huwag palalampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong gabi sa GMA after Kapuso Mo, Jessica Soho.