Horoscope, Oct. 20, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Magpaganda ka sa araw na ito, dahil kapag lagi kang maganda, gaganda rin ang iyong kapalaran. Sa lovelife, unexpected na naman ang mangyayari, darating ang isang masarap na romansa ng hindi mo inaasahan. Markahan ang 9, 17, 25, 33, 35 at 46. Pink at green ang buenas. Swerte ang initial na L. at M.
Aries – (Marso 21-April 19) — Malapit na ang Holiday Season, itabi at ipunin ang matatanggap na bonus at 13th month pay. Sa career, mag-invest ka sa stock market, upang mas maging maunlad at maligaya ang iyong future. Sa pag-ibig, ituloy lang ang pabugso-bugsong pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius, mahirap mawalan ng love life ngayong Pasko. Markahan ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Bukod sa red ang blue ay buenas. Swerte ang initial na C. at D.
Taurus – (April 20-May 20) — May darating na malaking halaga ng salapi, hindi mo ito dapat na ubusin agad-agad. Sa pag-ibig, paglaanan ng pera ang palahinging kasuyo. Markahan ang 3, 6, 15, 33, 39 at 47. Red at lilac ang buenas. Swerte ang initial na T. at V.
Gemini – (May 21-June 21) — Mabilis na kilos ang magdadala ng suwerte at magandang kapalaran. Sa career, bilisan mo ang pag-aaplay sa abroad, dahil sa susunod na taon may pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran. Sa love life, hindi dapat magpabago-bago ng isip, manatili sa dati ng minamahal. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Gray at violet ang buenas. Swerte ang initial na B. at M.
Cancer – (June 22- July 22) — Tuloy-tuloy nang dadami at madadagdagan ang salapi basta’t laging kasama ang malanding Scorpio. Panatiliin ang pagsusuot ng kulay na berde at dilaw upang lalo ka pang suwertehin sa buhay. Markahan ang 2, 11, 18, 37, 40 at 44. Bukod sa green at yellow mapalad buenas din ang silver. Swerte sa sa initial na R. at A.
Leo – (July 23 – August 22) — Huwag ka ng maghanap kung saan-saan, sa love life, ang masarap na romansa ay nasa tabi-tabi lang. Sa career, puwede kang lumipat kung naliliitan ka sa iyong suweldo, maghanap ng mas malaking offer. Markahan ang 1, 7, 16, 34, 43 at 49. Gold at blue ang buenas. Swerte ang initial E. at R.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sasakyan at alahas na silver ang hihigop ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Sa love life, basta’t isinilang sa buwan ng Oktubre, tiyak na magiging kayo at magsasalo kayo sa mainit at masarap na romansa. Markahan ang 5, 14, 23, 28, 36 at 41. Silver at white ang buenas. Swerte ang initial na P. at S.
Libra – (September 23-October 23) — Panahon na upang muling palakasin ang immune system, ugaliing mag-ehersisyo, kumain ng maraming gulay at mga prutas. Sa simpleng buhay na walang stress, kaya iwasan na ang intregerang mga kaibigan, lalo kang uunlad at magiging maligaya. Markahan ang 6, 17, 28, 30, 46 at 48. Orange at blue ang buenas. Swerte ang initial na I. at T.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Malapit na ang birthday mo! Simpleng selebrasyon na lang ang dapat upang makatipid. Ang salaping maiipon ay ilaan sa nalalapit na kapaskuhan upang kahit na papaano ay maging masaya naman ang iyong pamilya. Markahan ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Maroon at green ang buenas. Swerte ang initial na M. at C.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tuloy-tuloy na sana ang magandang pasok ng salapi, kaya lang nasasayang ito kasi bulaksak ka! Upang umunlad, matutong magtipid at mag-ipon. Sa love life, upang lumigaya at masarapan, sumang-ayon ka lang ng sumang-ayon sa pinapagawa ng iyong ka-partner. Markahan ang 3, 12, 22, 37, 41 at 45. Pink at beige ang buenas. Swerte ang initial na H. at G.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Magpapaulan ng malalaking suwerte ang langit bago matapos ang buwang ito ng Oktubre. Maglalabas ka ng bahay upang ikaw ay makasapo. Sa career, dagdag na salapi at umento ang matatanggap. Sa love life, muling babalik ang dating masasarap at nakapananabik na suyuan. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Blue at silver ang buenas. Swerte ang initial na S. at L.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sopresa ang iyong matatanggap, may magbibigay sa iyo ng bagong gadget. Tanggap lang ng tanggap, dahil minsan dumating si Santa Claus sa iyong buhay. Sa love life, hindi mo dapat lokohin ang iyong sarili, kung hindi ka na niya mahal, palayain mo na siya. Sa ganyang paraan, makakapagmu-move on ka na at makahahanap ng mas karapatdapat sa iyo. Markahan ang 4, 10, 19, 35, 44 at 48. Maroon at gold ang buenas. Swerte ang initial na A. at S.
Pisces – (February 19 – March 20) — Itutok ang inyong konsentrasyon sa nais mong makamit. Para dumami ang kinikita tutukan ang iyong mga ginagawang na may kaugnayan sa pera. Sa love life, kahit na may dumating pang tukso, hindi mo siya dapat patulan upang hindi ka magkasala. Markahan ang 2, 16, 27, 38, 41 at 49. Red at blue ang buenas. Swerte ang initial na F. at G.

Read more...