Maine, Carlo natalbugan ba sa takilya si Angelina Jolie?

MAINE MENDOZA AT CARLO AQUINO

KUMALAT ang balitang kumita ng P6.8 millio sa opening day nu’ng Miyerkoles, Okt. 16, ang pelikula nina Carlo Aquino at Maine Mendoza na “Isa Pa With Feelings.”

Unofficial pa ang first day gross ng movie dahil wala pa namang inilalabas na numbers ang mga producer nito.

Okay na ba ang P6.8 million for an opening day? Depende naman kasi sa budget ng pelikula, yan.

Sa mga bida ng “Isa Pa With Feelings,” hindi naman siguro kalakihan ang bayad kina Maine at Carlo. At wala ring ginamit na special effects sa pelikula kaya hindi kalakihan ang ginastos ng Blacksheep at APT Entertainment.

‘Yun nga lang, malakas na foreign movie ang nakabangga nina Carlo at Maine, ang “Maleficent” ni Angelina Jolie. Balitang more than P16 million ang first day gross nito sa mga sinehan nationwide.

Grade A naman ang nakuha ng CarMaine movie mula sa Cinema Evaluation Board kaya naniniwala kami na may chance pang tumaas ang kita nito lalo na kapag umubra na ang power ng word of mouth mula sa mga nakapanood na ng “IPWF”. But for us, P6.8 million is better than nothing!

Read more...