Tatay ng 3 Barretto sisters hindi matatahimik ang kaluluwa: Sana nirespeto nila ang patay

GRETCHEN, MARJORIE AT CLAUDINE BARRETTO

Naghalo na nga ang balat sa tinalupan nang magkrus ang landas ng Barretto sisters – sina Gretchen, Majorie at Claudine – sa mismong burol ng kanilang amang si Miguel Barretto.

Walang nagawa si President Rodrigo Duterte para maayos ang gulo ng magkakapatid ayon sa mga report.

Hindi umubra ang kapangyarihan ng Pangulo sa tapang at paninindigan ng magkakapatid na Barretto.

Parang national issue nga itong pinag-uusapan ngayon sa ibat ibang panig ng bansa (o mundo pa?), pati na sa mga vlogs at radio programs.

Siyempre, ang kawalan ng respeto sa nakaburol na ama ang rason ng pambabatikos sa tatlong magkakapatid. Hindi man lang daw nila nirespeto ang labi ng kanilang tatay na siguradong hindi matatahimik ang kaluluwa hangga’t hindi sila nagkakabati-bati.

May mga nagaganap ding gulo sa mga burol lalo na kapag may kabit ang namatay na lalaki, pero ibang usapan daw ang nangyari sa lamay ni Mr. Miguel Barretto.

A case of life imitates art ba ang nangyari sa Barretto sisters? Well, your guess is as good as mine.

Tungkol naman kay Claudine, balitang nakalabas na raw ito sa St. Luke’s matapos masuri ng doktor sa tinamong mga galos sa kamay at naramdamang pagkahilo dahil nga sa komprontasyon nila ni Marjorie.

Read more...