NASA 505 overseas Filipino workers ang nagpositibo sa HIV mula Enero hanggang Hunyo.
Ayon kay ACTS-OFW chairman Aniceto Bertiz III, mas mataas ito ng 12 porsyento kumpara sa 451 OFW na nagpositibo sa unang anim na buwan ng 2018.
“The cumulative number of OFWs found living with HIV as of June has reached 6,760 – 5,844 men (86 percent) and 916 women (14 percent) – since the government began passive surveillance in 1984,” ani Bertiz.
Ang median age ng mga lalaki ay 32 at 34 naman sa babae.
Posibleng umabot umano sa 7,000 ang kabuuang bilang ng mga OFW na nahawa ng HIV sa katapusan ng taon.
“Prompt testing is the key to timely detection and early treatment,” dagdag pa ng dating kongresista. “A growing number of Filipinos living with HIV continue to live healthy and productive lives precisely because they are undergoing highly active treatment being provided for free by the government.”
Sa mga OFW na nahawa, 61 porsyento ang taga-Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
Ang mga OFW ang bumubuo sa 10 porsyento ng 68,401 Filipino na nagpositibo sa HIV ayon sa National HIV/AIDS
Registry.