Ilang miyembro ng media tinawag na ‘patay-gutom’ sa burol ng tatay nina Gretchen, Marjorie at Claudine

By Reggee Bonoan October 19,2019
share this

Ilang miyembro ng media tinawag na ‘patay-gutom’ sa burol ng tatay nina Gretchen, Marjorie at Claudine

By Reggee Bonoan October 19,2019
share this

Ang eksena nang magkita sina Pangulong Duterte at Gretchen Barretto sa burol ng kanyang ama

“BAKIT mo pa pinapunta rito ang mga patay-gutom na ‘yan!” Ito umano ang sinabi ng isa sa magkakapatid na Barretto tungkol sa ilang pumunta at nakiramay sa ama nilang si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Nagtanong kami sa aming source kung sino ang sinabihan ng patay-gutom at binanggit sa amin na, “Mga media hindi ko alam kung sinu-sino. Super lafang daw sa burol. Ha-hahaha!”

Nasabi rin ng aming source kung kung sino ang tumawag ng patay-gutom sa ilang member ng press ngunit hindi na lang namin siya papangalanan. Pero grabe naman siya, baka ginutom lang ang mga pinagsabihan niya ng ganu’n dahil sa trapik na kanilang sinagasa para lang makiramay sa kanilang pamilya.

Kaya lesson learned, kumain muna bago pumunta sa burol dahil baka tawagin din kayong patay-gutom.

Buti na lang hanggang tubig lang ang hinihingi namin kapag naas lamay kami.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending