Animated film na Abominable ipinapa-ban

NAIS ng isang solon na i-ban sa mga sinehan ang animated film na abominable dahil sa maling impormasyon umano nito sa nine-dash line na may kaugnayan sa pinag-aagawang teritoryo aa West Philippine Sea.

Ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun dapat ay umaksyon din ang Movies Television Review and Classification Board sa panawagan na ipagbawal ang naturang pelikula sa mga sinehan.

“The MTRCB is mandated by law to empower the Filipino family, particularly parents and at the grassroots level, such that family members are able to evaluate and intelligently choose media and entertainment content.”

Kung hindi ipagbabawal maaari umanong ipatanggal na lamang ang bahagi na nagbibigay ng maling impormasyon.

“At the very least, considering the seriousness of the possible repercussions of the movie’s public showing, the MTRCB should suspend its showing in the meantime that it is investigating the adverse impact it can have in the minds of the Filipino audience.”

Naniniwala si Fortun na makasisira rin sa integridad ng Pilipinas ang pagpapalabas nito sa bansa.

“In the alternative, the MTRCB may consider allowing its showing, provided that portions of the movie sensitive to the issues on the West Philippine Sea are all removed,” dagdag pa ng solon.

Binigyan ng G classification ng MTRCB ang Abominable.

Possibly, the reviewers and even the top officials of the MTRCB were unaware of the Nine-Dash Line Map in the movie. Had they been aware, they might have exercised more prudence and acted accordingly.”

Read more...