24-month probation hindi makatarungan

BINATIKOS ng Bayan Muna ang panukala na gawing 24 buwan ang probationary status ng isang empleyado bago ito maregular sa trabaho.

Ayon kay Rep. Ferdinand Gaite lalo lamang malalabag ang karapatan ng mga manggagawa sa House bill 4802 na akda ni Probinsyano Ako Rep. Bonito Singson Jr., na gawing 24 buwan ang anim na buwang probationary period.

“Extending the probationary period is only extending further their time in employment limbo. We should all focus instead in ensuring that a genuinely pro-worker Security of Tenure Law gets enacted soonest, especially that the Department of Labor and Employment has been revealed to be backing a version of the bill that would even perpetuate contractualization instead of ending it,” ani Gaite.

Ang dapat umanong aprubahang panukala ng Kongreso ay ang makapagpapabuti sa kapakanan ng mga manggagawa at hindi ang lalong magpapahirap sa kanya.

“Masyadong mahaba ‘yan. The current 6 months should be enough time for employers to gauge if a worker is fit for a job,” ani Gaite. “Sa anim na buwan na yun, sapat na itong panahon na makabisa ng manggagawa ang kanyang trabaho, at kung gayo’y masusukat na ng employer ang kanyang kakayanan.”

Read more...