NAGBABALA si dating Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nanganganib ang buhay ng mga pulis na sangkot sa maanomalyang operasyon sa Pampanga noong 2013.
Inakusahan ang 13 pulis mula sa Pampanga na sangkot sa pagre-recycle ng milyong-milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Mexico, Pampanga noong 2013.
“I hope that those involved in the 2013 drug bust in Mexico, Pampanga, will finally realize that they are on their own,” sabi ni Magalong.
“And I hope that some of them start talking unless they end up dead like the other civilian agents who [were] also involved in that drug operation,” ayon pa kay Magalong.
Idinagdag ni Magalong na nasa kamay na ng PNP para tiyakin ang kaligtasan ng mga pulis.
Sinabi pa ni Magalong na tanging si Lt. Col. Rodney Raymundo Louie Baloyo ang nakakulong samantalang malaya pa ring nakakagala ang iba o aktibo sa serbisyo.
“They [policemen] have to make sure that nothing happens to them. Because only one is in jail, only Baloyo. The rest are still performing functions as policemen or [on] floating status,” sabi ni Magalong.
“If you look at the civilian agents involved, all of them are already dead, they were killed. Anything can happen,” ayon pa kay Magalong.