4 holdaper utas sa engkwentro sa QC

NASAWI ang apat na lalaki na nangholdap umano ng gasolinahan matapos na makipagbarilan sa mga pulis na tumutugis sa kanila sa Quezon City kaninang umaga.

Inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng mga suspek na armado ng mga baril.

Dumating umano ang mga suspek sa Petron Gasoline station sa Payatas Rd., sakay ng mga motorsiklo.

Dalawa sa mga suspek ang agad na pumunta sa cashier na si Vanessa Epis at tinutukan ito ng baril. Ang dalawa pa ay pumunta naman sa gasoline boy na si Elmer Boduan. Kinuha ng mga suspek ang pera at cellphone.

Isang taxi driver na nakasaksi naman sa pangyayari ang agad na humingi ng tulong sa otoridad. Mayroong checkpoint sa daraanan ng mga suspek kaya agad na nasukol ang mga ito sa boundary ng Payatas at Rodriguez, Rizal.

Nakipagbarilan ang mga suspek na nagresulta sa kanilang kamatayan. Narekober sa crime scene ang apat na revolver.

Read more...