Shabu itinago sa panty

KINASUHAN na ng pulisya ang isang babae na nagtangka umanong magpuslit ng shabu na itinago sa kanyang underwear sa loob ng Quezon City Jail.

Si Leslie Hernandez, 47, ng Brgy. Balon Bato, ay nakulong na umano ng anim na taon dahil sa iligal na droga.

Ayon sa pulisya, pumunta ang suspek sa Quezon City Jail sa K3rd st., Brgy. Kamuning alas-10:50 ng umaga kamakalawa upang bisitahin ang kanyang live-in partner.

Napansin umano ng jail officer na mayroong kakaiba sa underwear ni Hernandez kaya isinailalim ito sa strip search at doon nadiskubre ang isang panty liner kung saan nakatago ang plastic na naglalaman ng shabu.

Read more...