Duterte nais si Albayalde na mag-terminal leave — Go

NAIS ni Pangulong Duterte na mag-terminal leave lamang ang nagbitiw na si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde hanggang sa kanyang nakatakdang pagreretiro sa susunod na buwan, ayon ay Senator Christopher “Bong” Go.

Sinabi ni Go na magkatapos ng pulong ng Gabinete noong Biyernes, iminungkahi ni Duterte kay Interior Secretary Eduardo Año na mag-terminal leave si Albayalde sa harap ng isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng umano’y pagre-recycle ng droga ng mga pulis sa isinagawang operasyon sa Pampanga noong 2013.

“Ang discussion ni President at Secretary Año kung ano makakabuti base sa panahon na ‘yun para sa organisasyon,” sabi ni Go.

Idinagdag ni Go na bandang huli, napagkasunduan na sasabihan ni Ano si Albayalde.

“‘Yung to advise Albayalde to leave muna. You can call that terminal leave. Magleave ka na until you step down on the date of your retirement [Take your terminal leave until you step down on the date of your retirement],” dagdag ni Go.

Sinabi pa ni Go na ayon kay Año, balak nang magbitiw sa puwesto ni Albayalde bago pa man mag-usap ang Pangulo at ang Kalihim.

“Nagtugma naman po yung base sa pinag-usapan ni General Albayalde at ni Secretary Año. ‘Yun po ang plano ni Gen. Albayalde [to resign] [The statements of Albayalde and Año concurred. That was the plan of Albayalde, to resign],” dagdag pa ni Go.

Read more...