Maine Hakot Queen: 3 trophy ang tinanggap sa 2019 Eduk Circle Awards | Bandera

Maine Hakot Queen: 3 trophy ang tinanggap sa 2019 Eduk Circle Awards

Jun Nardo - October 15, 2019 - 12:54 AM

MAINE MENDOZA

PINAKYAW ni Maine Medoza ang tatlong awards sa katatapos lang na EdukCircle, huh!

Siya ang tumanggap ng One of the Five Most Influential Female Celebrity Endorsers of the Year, One of the Five Most Influential Actresses of the Year at ang Best TV Comedienne trophy.

Absent si Meng sa awards night parangal kaya sa Twitter niya idinaan ang kanyang pasasalamat sa nagbigay sa kanya ng mga parangal.

“Wow! Wala man po ako diyan para tanggapin ang mga parangal na ito pero ako po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng bumubuo ng EdukCircle. Maraming salamat po!” tweet ng Eat Bulaga host.

Nang matanggap ang isa sa tropeyo last Sunday sa guesting niya sa Sunday PinaSaya, naglabas agad ng litrato sa Twitter ang dalaga na ang caption ay, “Ito naaaaa! Ang angas ng best TV Comedienne! Maraming salamat @edukCircle!!!”

Talagang pinagpapala pa rin si Maine, sunud-sunod ang tagumpay na dumarating sa kanya. Sabi nga ng kanyang fans, lucky na sa career, swerte pa siya sa lovelife. Kaya ikaw na talaga Meng! Ikaw na!

Samantala, biglang nagbago ng desisyon ang Blacksheep Productions at APT Entertainment sa magaganap na premiere night ng movie nina Maine at Carlo Aquino na “Isa Pa With Feelings”.

Sa halip kasi na gawin ito sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ay inilipat na ito sa SM Megamall, huh!

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending