Ex-cop tinumba

NASAWI ang isang retiradong pulis matapos pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa Rosales, Pangasinan, Lunes ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima bilang si Danilo Macaraeg, 51, residente ng bayan ng Sto. Tomas, ayon sa ulat ng Ilocos regional police.

Naganap ang insidente sa bahagi ng provincial road na sakop ng Brgy. Tomana West, dakong alas-2.

Sakay si Macaraeg ng motorsiklong minamaneho pa-silangan ni Jerick Escalona, nang siya’y barilin, ayon sa ulat.

Dinala pa siya sa Dr. Marcelo M. Chan Hospital pero binawian ng buhay habang nilulunasan.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin, habang isinusulat ang istoryang ito.

Read more...