Mananaya sa Pasay wagi ng P47M jackpot

SA Pasay City tumaya ang nanalo ng P47.1 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola Linggo ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 40-19-18-28-20-01.

Ang nanalo ay may isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City.

Nanalo naman ng tig-P7,430 ang 104 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P420 naman ang 1,447 mananaya na nakaapat na numero. Balik naman ang P24 taya ng 19,507 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...