NAGBITIW na sa kanyang puwesto si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde epektibo ngayong araw, sa harap naman ng patuloy na pag-init ng imbestigasyon kaugnay ng pagre-recycle ng droga sa Pampanga noong 2013.
“After careful thought and deliberation, I have come to the decision to relinquish my post as Chief [of the] PNP effective today and go on a non-duty status. I have submitted my letter of intent to Secretary Año which he accepted and favorably endorsed to the President,” sabi ni Albayalde sa kanyang talumpati sa harap ng mga PNP personnel sa isinagawang flag-raising ceremony sa Camp Crame.
“Since I am retiring compulsory on November 8, 2019, this will pave the way for the appointment of my replacement should the President so desires,” sabi ni Albayalde.
Idinagdag ni Albayalde na nakausap na niya si Interior Secretary Eduardo Año nitong kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa kontrobersiyal na operasyon sa Pampanga noong 2013, kung saan siya pa ang provincial police director.
Niliwanag naman ni Año na nagbitiw si Albayalde bilang PNP chief.
“Nagresign sya sa kanyang position bilang chief pnp, nirelinquish nya yung kanyang position as chief pnp at nakaleave na lang sya until officially magretiro sya sa November 8 so bale equivalent din also to terminal leave hanggang November 8.
Ngunit sa kanyang speech, iginiit niya na hindi siya sangkot sa iregularidad sa naturang operasyon.
Nagpasalamat din si Albayalde sa kapulisan sa suporta sa kanyang liderato simula nang maupo siya noong Abril 2018.
“My last command as Chief [of the] PNP is for you to carry on in the service of our fellow Filipinos so that all of us may live and work in peace. Do not let these challenges demoralize or stray you from your path,” sabi ni Albayalde.
“And above all, I thank God Almighty for this once in a lifetime opportunity to have led as the 22nd chief of the Philippine National Police,” ayon pa kay Albayalde.
Sa pagdinig ng Senado kaugnay ng mga tinaguriang ninja cops, idiniin si Albayalde ng maraming opisyal, kabilang na si dating Criminal Investigation and Detection Group chief at ngayon ay sa Baguio Mayor Benjamin Magalong, matapos umanong tumawag kay Philippine Drug Enforcement Agency chief Aaron Aquino para iapela ang dismissal laban sa kanyang mga tao na nagsagawa ng raid sa Pampanga.
Sinabi rin ni retired police general Rudy Lacadin na tinawagan din siya ni Albayalde kaugnay sa imbestigasyon sa nangyaring raid noong 2013 kung saan sinabi niyan konti lamang ang kanyang nakuha sa operasyon.