P5K sa baboy na may ASF

INANUNSIYO ng Department of Agriculture na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang dagdag na ayuda sa mga magbababoy na apektado ng African Swine Fever.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, itataas sa P5,000 mula sa P3,000 ang ibibigay sa bawat baboy na isasaila-lim sa culling.

Unang inanunsyo ng DA na babayaran ang mga hog raiser ng P3,000 Ang bawat baboy na may ASF na kakatayin.

Samantala, sinabi ng kalihim na patuloy pa ring ipinatutupad ang 1-7-10 protocol sa ASF-affected areas katuwang ang mga lokal na pamahalaan, militar, pulis at ang swine industry para makontrol ang pagkalat ng ASF sa bansa.

Paalala rin niya sa publiko na maging mai-ngat sa pagbili ng mga karneng baboy sa palengke at kung maaari ay bumili lamang sa mga meat shops na may tatak ng National Meat Inspection Service.

Read more...