Regine Velasquez sinita sa ‘mabaho ang Payatas’ comment

NASAKTAN si Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa “mabaho ang Payatas” comment ng singer/actress na si Regine Velasquez sa kanyang social media post.

Ayon kay Castelo hindi na mabaho ang Payatas dahil matagal ng ipinagbawal ang pagtatapon doon ng basura.

“Payatas is no longer a garbage-smelling barangay,” ani Castelo na nakakasakop sa Brgy. Payatas na nasa district 2 ng Quezon City. “We do hope that Ms. Velasquez will share time to see that Payatas is not the dump site that she sees, but more of a fast rising barangay with hospitable, industrious, and persevering people.”

Sinabi ni Castelo na dapat maghinay-hinay si Velasquez sa kanyang mga komento.

“The People of Payatas are victims of social inequality, yet have chosen to break the chains of poverty by working hard, doing jobs that most people wouldn’t do. They are the reason why Payatas is not just a dumpsite anymore but a flourishing and fast rising community,” dagdag pa ng lady solon na vice chairman ng House committee on Metro Manila Development.

Sa kanyang YouTube video, sinabi ni Velasquez: “…MTV asked me to a documentary for street children. And I went to Payatas… kaamoy ng bag ko ‘yung Payatas…nakakatawa yun …”

Ipinakita ni Velasquez sa video ang bag na kanyang ginamit sa video.

“Kasi ‘pag nasa payatas ka na, hindi mo na naman maaamoy ‘yung basura e pero kasi kayo e pare-pareho na kayo ng amoy dun …this is the bag I was wearing. So after the whole shooting akala ko nasa Payatas pa rin ako, ayun pala ‘yung bag ko yung mabaho. Mas mabaho pa siya sa Payatas.”

Sagot naman ni Castelo: “Her (Regine’s) statements bordered on social inequality which is a complete affront to the people of Payatas whose lives we’re trying to uplift through livelihood and health programs.”

Humingi na ng paumanhin si Velasquez sa kanyang ginawang pahayag.

Umaasa naman si Castelo na wala ng susunod kay Velasquez. “There should be no repeat of the incident as entertainers owe a lot of their success from poor Filipinos, especially the people from Payatas, many of them are their fans.”

Read more...