P10M jackpot nasungkit sa Pasig

ISANG mananaya sa Pasig City ang tumama ng P10.6 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola noong Sabado ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa Pinagbuhatan, Pasig City.

Ang winning number combination ay 19-14-09-07-15-28.

Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City.

Nanalo naman ng tig-P13,910 ang 36 mananaya na nakalimang numero. Tig-P240 naman ang 1,658 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 20,597 mananaya na nakatatlong numero.

Noong Biyernes ay tinamaan ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na nagkakahalaga ng P244.9 milyon. Ang nanalo ay tumaya sa Maynila.

Read more...