‘XIAN LIM mas mukha pang babae kesa kay KIM CHIU!’ | Bandera

‘XIAN LIM mas mukha pang babae kesa kay KIM CHIU!’

Cristy Fermin - July 28, 2013 - 03:00 AM


Bakit kaya ganu’n ang nagiging reaksiyon ng mga kabagang naming becki kapag nakikita nilang naglalambingan sina Xian Lim at Kim Chiu? Hindi naman sila nandidiri, pero talagang nagtataasan ang kanilang mga kilay, ano ba ang problema?

Nang maghiwalay sina Gerald Anderson at Kim ay si Xian Lim na ang ipinareha sa young actress, nu’ng una’y maraming kontra sa kanilang tambalan, malinaw na panggagamit lang daw kay Kim ang ginagawa ng aktor.

Kapag ipinakikita ang mga kilig moments ng dalawa ay natural lang na kasabay nilang kinikilig ang kanilang mga tagasuporta, pero ang tanong, bakit kaya ayaw paniwalaan ‘yun ng mga becki?

Sabi ng isang becking nakausap namin, “Tantanan nga kami ng Xian Lim na ‘yan? Puwede ba, tigil-tigilan na niya ang pakikipaglambingan kay Kim, dahil naaalibadbaran kami sa kanya?”

May isang becki namang nagkomento na mas banidoso pa si Xian kesa kay Kim. Kung ilong lang daw ang palaging pinoproblema ng dalaga, si Xian naman ay lahat-lahat na, mula kuko hanggang ulo kuno ang inaalagaan ng aktor na sobra ang pagka-vain.

“Masyado siyang maalaga sa katawan niya. Naglalagay pa nga siya ng merthiolate sa mga sakong at nipples niya, di ba? Regular din ang pagpapa-manicure-pedicure niya, ayaw na ayaw niya sa maruruming kuko.

“Sobra ang pagka-vain ni Xian, OA na ang pagiging malinis niya sa katawan, hindi mo siya makikitang mukhang mabaho. Ang itsura niya, e, parang palagi siyang bagong paligo, very hygienic talaga ang lalaking ‘yun!

“Mas mukha pa nga siyang babae kesa kay Kim kung linis ng katawan ang pagbabasihan, e. Ganu’n siya katindi, hindi mo siya matitiyempuhang marumi,” kuwento pa ng aming source.

‘Yun kaya ang dahilan kung bakit nagtataasan ang kilay ng mga becki kapag nanonood nilang naglalambingan sina Xian Lim at Kim Chiu?

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending