Markus Patterson, Gillian Vicencio young version nina Gerald at Angel | Bandera

Markus Patterson, Gillian Vicencio young version nina Gerald at Angel

Bandera - October 13, 2019 - 01:10 AM

MARKUS PATTERSON AT GILLIAN VICENCIO

Grabeng tensiyon at kaba ang naramdaman namin habang itinatakas nilang maglola ang bangkay ni Prinz, pati na ang eksenang pinahihirapan ng sindikato si Reyven at ang tangkang pagputol sa daliri ng kanyang kapatid!

In fairness, nakipagsabayan sa aktingan sina Gillian Vicencio at Markus Patterson kay Rio sa Kargo. Talagang itinodo rin nila ang kanilang powers sa bawat eksena nila bilang mga kabataang naligaw ng landas dahil sa bisyo.

Hindi na kami magtataka kung isang araw ay magbida na rin ang dalawa sa mga teleserye at pelikula ng ABS-CBN at Star Cinema dahil sa ipinakita nilang galing sa Kargo lalo na si Markus na ang galing-galing na ngayong mag-Tagalog, meaning desidido talaga siyang magtagal sa showbiz industry.

May mga nagsasabi nga na nakikita nila si Markus sa katauhan ni Gerald Anderson habang si Gillian naman ay pwedeng sumunod sa yapak ni Angel Locsin na pwede sa drama at aksyon.

Ang original digital series na Kargo ay sa direksyon ni Julius Alfonso na nagtagumpay sa plano niyang dalhin ang manonood sa mga tagpong isusumpa mo at ipagdarasal n’yong huwag sanang danasin ng ating mga kapamilya ang kinasangkutang gulo nina Hannah, Reyven at Lola Tere.

Panoorin ang Kargo sa iWant app o sa iwant.ph at iba pang original series na tiyak na ikagugulat n’yo.
Naglalaman ng pinakamaraming Filipino video content, ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending