Ai Ai sa akyat bahay gang na nagnakaw sa kanila: Bahala na si Lord sa kanya…

AI AI DELAS ALAS

“BAHALA na si Lord sa kanya.” ‘Yan ang hugot ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa miyembro ng Akyat Bahay gang na nagnakaw sa kanila kamakailan.

Nakuha ng suspek ang Louis Vuitton bag ng komedyana pero pera lang talaga ang kinuha nito.

Narekober naman nila ang kanyang branded bag.

Sa nakaraang presscon ng “All 4 You: The Clash Concert” kung saan magsasama-sama sila nina Christian Bautista, Golden Cañedo at Lani Misalucha sa isang stage, sinabi ni Ai Ai na hindi pa rin nila maisip kung paano nakapasok ang magnanakaw sa bahay nila ng asawang si Gerald Sibayan na nasa loob ng isang exclusive village.

“Actually, yun nga rin ang tanong ko sa lahat ng tao doon, pati security guard, ewan ko kung paano nangyari,” pahayag ng Kapuso TV host-comedienne.

Aniya, wala na siyang balak maghabol sa ninakaw sa kanya, “Hindi, okay na yun, hayaan mo na, ipasa-Diyos na lang natin.”

Tinanong namin si Ai Ai kung anu-ano na ang security measures na ginawa nila ng asawa para hindi na maulit pa ang nangyari, “Nagpalagay na kami ng CCTV, kung anik-anik. Kuwarto namin, puro bakal na.

Okay naman na.”

“Pati yung mga security guards sa village namin, papalit-palit,” sey pa ng komedyana.

Samantala, ang “All 4 You: The Clash Concert” ay magaganap na sa Oct. 19 sa Arcadia Performing Arts Center, Los Angeles, California, USA. Kuwento ni Ai Ai, siguradong susulitin nila ang pera at panahon ng mga kababayan natin sa Amerika na manonood sa kanila.

Marami raw silang pasabog na sorpresa nina Christian, Golden at Lani.

“Alam naman natin ang pakiramdam na malayo ka sa mga mahal mo sa buhay, lalo na ngayong simula na ng Pasko sa Pilipinas. Sana, dahil dito sa mga alay naming kanta at performances sa kanila ay masiyahan sila at maramdaman nila na parang nasa Pilipinas na rin sila,” chika pa ng komedyana.

The show is produced by Kapuso Concerts, a joint project of GMA Pinoy TV, GMA Entertainment Group, GMA Sales & Marketing Group, and GMA Regional TV, in association with Starmedia Entertainment.
For tickets, call lang kayo sa 818-913-5998, 818-522-2567, 323-440-3174, 714-448-7512 o 626-821-1782. Tickets may also be purchased at All Island Pacific Supermarket.

Read more...