Pinusuan ng libu-libong netizens ang latest paandar ni Heart Evangelista sa social media. Tinupad ng Kapuso actress ang wish ng kanyang asawa na gayahin ang look ni Audrey Hepburn.
Marami ang nag-comment na nagmistulang modern-day incarnation of Audrey Hepburn ang misis ni Chiz Escudero sa isinuot niyang “Breakfast at Tiffany’s” outfit para sa 50th birthday ng kanyang asawa.
Sa kanyang social media account, ipinost ni Heart ang ilan niyang litrato suot ang kanyang OOTD ala-Aubrey with caption, “Ready for tonight #50s #AudreyHepburn.”
MOST READ
LATEST STORIES