Epy Quizon iniiwasang gumanap na lover boy: OK sa akin rapist, bading, kontrabida

KZ TANDINGAN AT EPY QUIZON

Nalula ang singer na si KZ Tandingan nang malamang siya ang ang napili na maging leading lady ni Epy Quizon sa initial offering ng Core Minds, ang “The Art of Ligaw.” After seven years ng pagiging singer-performer, ngayon lang nakatanggap ng offer si KZ para magbida sa isang movie.

“With this new project, nagkaroon talaga ako ng panibagong love, ang acting,” saad ni KZ sa mediacon ng movie the other day.

“‘Yun din ang tanong ko nu’ng una? ‘Bakit ako?’ Hindi naman kasi talaga ako aktres, pero tinanggap ko yung challenge,” dagdag niya.

Ayon pa sa kanya, pinaiyak daw siya nina Epy at direk Jourdan Bautista.

“Opo, pinaiyak po nila ako pero sobra akong thankful. They entrusted this opportunity to me. Masarap sa feeling nan a-surpass ‘yung expectation nila sa akin.

“Umiyak po ako. Tumawa. Parang buwang! Pero naging maganda naman sa movie. Imadynin ninyo sinabi ni direk, ‘Paiyak ka! ‘Yung luha mo dapat dito lang (isang mata lang)!

“Pero ang ganda ng experience na ‘yon. Sobrang iba sa art of music, singing,” sabi pa ng award-winning singer.

Ayon naman kay Epy, ito na yata ang pinakamahirap na role na gagampanan niya dahil first time niyang magiging leading man sa isang romcom.

“Kasi, masyadong malapit (sa tunay na Epy). Ha! Ha! Ha! Mas madaling maghanap ng character na kakaiba. Mas nadadalian ako kung maging iba kesa kahawig ng character dati.

“Actually I have the fear of accepting the movie. Sabi baka hindi ko magampanan nang tama. May something ako na hindi ko gusto sa mga lover boy role.

“Gagawin ko ang maging joker, kontrabida, rapist, homesexual, gagawin ko ‘yan. Pero yung malapit medyo kinakabahan ako kasi mas mahirap mag-feel sa role na malapit sa ‘yo o halos kapareho ng personality mo! Ha! Ha! Ha!

“Kaya ko tinanggap ang role, it helps me correct my past nu’ng nanligaw ako na hindi seryoso, nakasakit ako. I think this is the perfect movie to redeem myself from my past! Perfect apology ko sa nasaktan ko!” deklara ni Epy.

Read more...