‘YUN ang panahon na lahat ng nagaganap sa kanyang personal na buhay ay parang pagkukukot lang ng butong pakwan na ikinukuwento ng isang sumikat na sexy actress sa kanyang mga kakuwentuhan.
Nilangisan ang kanyang dila, walang preno, kaya napapatunganga na lang ang kanyang mga kaharap sa pakikinig sa kanyang mga litanya.
Pati ang kanyang paglipad sa alapaap ng kaligayahan ay ipinagmamakaingay ng sexy strar, walang pakialam niyang ikinukuwento kung paano sila nag-churvahan ng male personality na nakaniig niya, ganu’n siya katindi.
Kuwento ng aming source na palaging kasama nu’n ng sumikat na sexy star, “Siya ang nagbibigay ng motibo, siya mismo ang nagyayaya sa lalaki, hindi siya nahihiya. Halos lahat ng naka-partner niya sa movie, e, hindi nakalampas sa kanya!
“Talagang bigay na bigay siya, wala siyang pakialam kung babae siya, katwiran ng female personality, e, isang paligo lang ang katapat ng mga ginagawa niya!” buwena-manong chika ng aming source.
Nagkaroon ng pagkakataon ang sexy actress na makatrabaho ang isang medyo nagkakaedad nang male personality na kilalang-kilala sa kanyang linya ng pakikipagsuntukan at pakikipagbarilan sa mga pinagbidahan nitong pelikula.
Patuloy ng aming source, “Naku, talagang ipinaglantaran ng girl ang atake ng lalaking ‘yun sa kama! OA daw ang male personality, sabi niya, dahil pati ang pakikipag-lovemaking, e, iniaarte ng male personality!
“Madaldal din kuno ang guy habang nagpapakaligaya sila, dialogue nang dialogue, mura pa nang mura!
Parang eksena raw tuloy sa pelikula ang ginagawa nila dahil sa pagiging OA ng lalaking personality!
“May drama pa kuno ang guy na tapos na siya, pero ang totoo, e, hindi pa naman, para lang palabasin niya na nakaiilan siya sa bawat pagsasalpukan nila!
“Super-OA kuno ang nagkakaedad nang aktor na ‘yun, siguradong ganu’n din daw ang performance niya nu’ng maging karelasyon niya ang isang sikat na TV host!
“Pinagtatawanan niya ang male personality na ‘yun na kinukuya-kuya pa naman niya. Mahilig daw kasi ang guy sa adlib!
“Madaling hulaan kung sino ang male personality, may kapangalan siyang bisyong ibinubuga-buga, siya na ‘yun!” pagtatapos ng aming source.
Kilala n’yo kung sino siya, Bradly Guevarra, Jon at Ching Bautista Silverio, kayo pa!