Mikee Quintos nagpasabog ng kaseksihan sa Palawan

MIKEE QUINTOS

Sizzling in red bikini ang Kapuso actress at The Gift star na si Mikee Quintos sa mga Instagram photo niya na kuha sa pagbabakasyon niya sa Palawan recently.

Kapansin-pansin na blooming ang aktres dahil paborito raw nito ang pamamasyal sa mga beach.
Sa kanyang caption, nag-share si Mikee ng isang inspirational na mensahe, “To acknowledge the risks, but choosing to be fearless and jumping in anyway. I can honestly say I’m a happier person because of it.

“So whatever hesitations you may have, be brave. Chase your dreams. Just JUMP. Do something your future self will thank you for.”

Mapapanood si Mikee bilang best friend ni Sep (Alden Richards) na si Amor sa GMA primetime series na The Gift.

Marami ang nakaka-relate sa karakter ni Mikee sa serye na nagmamahal na palihim sa kanyang best friend na si Sep pero talagang kaibigan lang ang turing sa kanya ng binata na nabulag na nga matapos mabaril sa rambulang naganap sa Divisoria.

Feel na feel ng mga Kapuso viewers ang nararamdamang sakit ni Amor kapag nakikita niya ang binata na nagkakagusto sa ibang babae.

Siyempre, wagi rin sa manonood ang pagiging martir ni Amor na kahit na na-friendzone na siya ni Sep ay patuloy pa ring nagmamahal nang walang kapalit. Patuloy na tutukan ang The Gift pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA.

Read more...