SSS Pensioners pwedeng mag-loan up to P200K

SA ilalim ng Pension Loan Program (PLP), maaring makautang ng hanggang P200,000 ang mga pensioners ng Social Security System (SSS).

Layunin ng pinalakas na patakaran ng PLP sa ilalim ng Social Security Commission (SSC) Resolution no. 429 series 2019 ay mabigyan ng sapat na financial assistance ang mga kwalipikadong pensioners.
Maaari nang makahiram ng hanggang 12 times ng kanilang basic monthly pension dagdag pa ang P1,000 benefit ang mga pensiyonado.

Sa Pensioners’ Day ng mga miyembro ng SSS, ay kasabay na inilunsad ng insurance firm ang enhanced pension loan program, kung saan mas mataas ang maaaring hiramin ng mga miyembro.

Kung dati ay P32,000 na maximum pension loan, itinaas ito sa P200,000, bukod sa maaari na itong bayaran sa loob ng 24 months o dalawang taon.

Pinalakas ang PLP rules para mabigyan ang mga kwalipikadong SSS pensioners na may mataas na loanable amount ngunit mahabang payment term at upang maiwas ang mga ito na mangutang sa ibang loan organizations na may mataas na interest rates. Mayroon lamang 10 percent per annum o taunang interes na ipapataw.

Kung dati ay nasa 80 taong gulang ang pinakamatandang pensioner na maaaring makahiram, itinaas na ito ng SSS sa hanggang 85.

Tumatanggap na ang anumang sangay ng SSS ng PLP applications mula sa kwalipikadong retire-pensioners.

Ipinatupad ng SSS ang PLP noong Setyembre 2018 kasunod na rin ng kahilingan ng mga senior citizens upang maiiwas ang mga pensioners na palaging nagiging biktima ng loan sharks.

Base sa loan term, 0.8 percent ng pensioner-borrowers para sa three-month term, 5.88 percent para sa six month at 98.32 para sa 12 months

May 1.5 milyong retiree-pensioners sa kasalukuyan.

Read more...