Dingdong-Jennylyn loveteam aprubado kay Marian: Bagay naman sila sa ‘DOTS’!

JENNYLYN MERCADO AT DINGDONG DANTES

APRUBADO kay Marian Rivera si Jennylyn Mercado bilang si Dr. Maxine sa Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun na leading lady ng asawa niyang si Dingdong Dantes.

May clamor din kasi kay Yan na maging kapareha ni Dong pero dahil sa dalawang batang anak, umayaw na siya bukod sa malayo ang location ng taping.

“Bagay naman si Jen doon,” saad ni Marian nang makausap ng press sa launching niya bilang first celebrity endorser ng Walter Mart.

Dagdag niya, “Saka ang dami nang nagawa ni Jen na kori-Korean.”

Siyempre, sabik na sabik na ang DongYan fans nilang mag-aawa na makita silang muli sa isang series na magkapareha.

“Huwag silang mag-alala dahil gagawa kami ng paraan ni Dong para magkasama kaming dalawa. Hindi man ngayon, siguro next year, sisiguruhin naming magkakasama kaming dalawa,” pahayag ni Marian.

Wala pa mang series na gagawin, this Sunday naman ay babalik na si Yan sa Sunday PinaSaya.

Read more...