Maymay, Edward nagkaroon ng ‘big fight’, nagkapikunan lang

By Ervin Santiago October 10,2019
share this

Maymay, Edward nagkaroon ng ‘big fight’, nagkapikunan lang

By Ervin Santiago October 10,2019
share this

MAYMAY ENTRATA AT EDWARD BARBER

NAG-SHARE ang magka-loveteam na sina Maymay Entrata and Edward Barber tungkol sa umano’y “big fight” nila na nangyari sa Hawaii.

Kumalat sa social media ang isang video interview ng dalawang Kapamilya stars kung saan ikinuwento ni Maymay na nagsimula ang tampuhan nila ni Edward noong meron siyang pinagdaraanang personal.

Kinukulit daw kasi siya ng binata na sabihin kung siya ba ang dahilan kung bakit siya nade-depress.
“Siya kasi, maalaga, very thoughtful. Sabi niya, ‘May, what’s the problem? Am I the problem?’ ‘No, you’re not.’ Hanggang, ‘Hindi nga ikaw!’ ‘O sige, ikaw na, nag-away na tayo!’” natatawang chika ni Maymay.

Hindi na idinetalye ng dalaga sa nasabing panayam kung ano ang pinagdaanan niya noon pero marami raw silang natutunan ni Edward sa nangyaring ‘yun.

“Hindi kasi ako expressive, tapos siya, expressive siya. Doon ko natutunan sa kanya na dapat pala, minsan, sinasabi mo ang problema mo para mas maluwag siya, mawala ‘yung tinik sa puso mo. Tapos ngayon, mahinahon na kami mag-usap,” lahad pa ni Maymay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending