IPINASARA ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Isetann Mall sa kahabaan ng Recto Avenue matapos madiskubreng nilalabag ng pamunuan ang mga ordinansa ng lungsod.
Sinabi ni Moreno na nagsasagawa rin ng operasyon ang may-ari ng mall na Tri-Union Properties, Inc. bilang isang lessor nang walang kaukulang permit.
Personal na isinilbi ni Moreno ang closure order.
“In relation to the multiple leased out stalls and spaces, there is no valid and existing business permit as a lessor,” sabi ni domagoso.
Idinagdag ni Moreno na nagdeklara rin ang Tri-Union Properties, Inc. na tanging 1,000 square meters ang inookupahan nito.
Sinabi ni Moreno na kuwestiyonable rin ang inilagay na empleyado ng mall kung saan 10 lamang ang idineklara nito.
Ayon pa kay Moreno, isa lamang sa apat na sinehan sa loob ng mall ang may business permit.