UMABOT sa P107 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa Quezon City nang makuhaaan ng P102 milyon halaga ng droga ang isa pang Chinese national Martes ng gabi.
Nadakip sa pinakahuling operasyon si Hongbo He, 45, isang Chinese businessman na naninirahan sa Mariveles, Bataan, sabi niJoel Plaza, direktor ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region.
Nadampot ng mga tauhan ng PDEA-NCR at city police ang banyaga sa parking area ng Quezon Memorial Circle alas-7:45, matapos niyang bentahan ng droga ang isang undercover agent, ani Plaza.
Bago ito, halos tatlong linggong tiniktikan ng mga agent si He dahil sa impormasyon na sangkot siya sa bentahan ng iligal na droga sa Metro Manila.
Pinainiwalaan na ang banyaga ay miyembro ng isang Chinese international drug syndicate, ani Plaza.
Nasamsam kay He ang 15 pakete na may aabot sa 15 kilo ng hinihinalang shabu, isang cargo van, at ang buy-bust money.
Tatlong oras lang bago ito, nadakip ng PDEA at pulisya ang isa pang Chinese national at dalawang Pilipino na nakuhaan ng P68 milyon halaga ng shabu sa buy-bust sa Brgy. Sienna.