Hotel, so good nga ba talaga?

HANGGANG ngayon ay hindi pa nakatatanggap man lang ng tulong mula sa pamunuan ng isang hotel chain ang mga kaanak ng dalawang namatay na empleyado sa isang trahedya na naganap sa Maynila kamakailan.

Sinabi ng aking cricket sa Manila City Hall na tanging tulong lamang mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila ang natanggap ng mga kaawa-awang biktima.

Ipinagmamalaki pa naman ng hotel chain na ito na “so good” ang kanilang serbisyo pero anong kadamutan naman ang ginagawa nila sa mga naiwan ng dalawang namatay na empleyado sa trahedya.

Kamakailan ay meron ding nagreklamo sa nasabing hotel chain na isang babaeng senior citizen na may-ari ng building na kanilang inuupahan.

Makalipas kasi ang magandang “business partnership” ay dumating ang yugto na inaangkin na ng nasabing hotel chain ang gusaling pag-aari ng nasabing ginang.

Bukod dito ay may mga impormasyon ring lumabas na nag-ooperate na para umanong motel ang ilan sa kanilang mga branches gayung ipinagbabawal ito sa ilang mga lugar. Ilang beses na ring naisapubliko ang ilang mga reklamo tungkol sa nagaganap na prostitusyon sa ilang mga sangay ng hotel na ito.

Sinabi nga ng aking cricket na kahit na anong ganda ng corporate social responsibility projects ng hotel chain na ito ay hindi nila matatakasan ang kanilang mga pananagutan sa batas.

Hindi rin maisasalba ng kanilang ipinagmamalaking koneksyon ang kanilang mga atraso pagdating ng panahon ayon pa sa aking cricket. Sana ay hindi pa huli ang lahat lalo na sa kanilang tulong at paliwanag para hotel chain na kilala sa tawag na S….as in Sugod.

Read more...