Carlo pinaasa si Angelica: Siguro nga po…

TRINA CANDAZA, CARLO AQUINO AT ANGELICA PANGANIBAN

Bumilib ang madlang pipol sa pagpapakatotoo ni Carlo Aquino tungkol sa naunsiyami nilang pagbabalikan ni Angelica Panganiban.

Sinagot ng award-winning actor ang tanong kung pinaasa ba niya talaga si Angelica na pwede pang magkaroon ng part 2 ang kanilang love story.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda inamin niyang may kinalaman sa away nila ni Angelica ang girlfriend niyang si Trina Candaza.

Tanong ni Boy Abunda kay Carlo, “She said that hindi ka nag-e-exist sa kanyang buhay. My question is, when she said it, was she fair?”

“Opo,” tugon ng binata. “Kung nasaktan ko siya, karapatan niya yun. Karapatan niyang pagdaanan, karapatan niyang maramdaman yun. Hindi ko dapat pigilan yun.

“Kaya nung sinabi niya yun, ‘tapos nakarating sa akin, sabi ko, ‘Okay lang naman.’ Okay lang,” aniya pa.

At sa tanong na, “Pinaasa mo ba si Angge?” ilang sandali siyang natahimik at sumagot ng, “Hindi ko… siguro po. Siguro.”

Read more...